Tuesday, June 23, 2009

walang title


namulat ang mata sa liwanag na hindi matitigan
sa daang hindi masundan ang paroroonan
sa panahong hindi mawari ang nakaraan sa kasalukuyan

Nakakulong sa aninong ako mismo ang may lalang
Napapaloob sa pagkataong hindi ko man lang nakilala
Sa paglipas ng araw patuloy akong nilalamon
ng mga pagsisisi, galit at hinanakit

Sa aking maskara patuloy na nagkukubli
ng sa Mundong ito ay makakapit Ngunit ng,
Dahil sa pangako ng aking pag-ibig may rason ng ngumiti
tila alitaptap na dumapo sa madilim kong gabi

Kung saan ang liwanag nya'y magagawa kong yapusin
ang daan ay magagawa kong tuntunin
Kung saan ang panahon ay tama lamang para sa amin.

3 comments:

Gumamela said...

ang ganda emel!

madami pang susunod dito...

congrats!

lenz said...

wlang title galing hehehe..
meron title alitaptap...lolzz...

Emel said...

ahahahahaha wala ako maisip na title eh basta nag sulat lang ako
LOLZ
sabi nga ate bhing paroroonan daw

thnx mga repapips