Sunday, April 11, 2010

nandito na naman ako, nagiisip ng mga salitang maaring sabihin.
sa totoo lang hindi naman talaga ako magaling mag sulat, hindi naman ako magaling sa lahat.
nandito ako kasi gusto ko mabawasan ang bigat na dinadala ko.
ang hirap pala lumaki mag isa sa pamilya kasi namin ako ang pinaka bata sa bahay, pianka matanda din sa mag pipinsan una kasi akong apo sa mga babae. ang hirap ng walang best friend wala ka kadamay sa mga panahong ganito, yung mga panahong kailangan mo ng kausap at masasandalan. kasi naman pag sinusubukan ko mag open sa mga tita or tito ko hindi naman nila ako siniseryoso. hays!

Ano ba? bakit ba ako nandito? Ano ba problema ko?

ganito kasi yun blog, average student lang ako yung utak ko sasabog na sa pag aaral at pagintindi sa mga aralin sa school pero pag dating ng grades ko average lang mag kulang lng ng isang percent bagsak na minsan nmn swerte medyo mataas. Hindi kasi ako mahilig mag aral noong elementary at high school ako kasi nga wala naman pumapansin sa akin sa bahay wala ako mga pinsan na kasama pumapasok sa school at mag rereview sa gabi kaya madalas sa pag kabagot sa pag rereview ko nakakatulog na ako. bukod dun mahina nga kasi talaga ako. kaya ngayon kahit naka graduate ako sa collage at nakakuha ng maganda kurso nahihirapan ako mag hanap ng trabaho kasi madami ako nakakasabay na mas magagaling at mas smarte. tingin ko nga halos lahat ng napag aralan ko ng apat na taon nakalimutan kona ng ganun ganun lang... ganun ako kahina, may mga ginagawa nmn ako na paraan para kahit papano mag improve ako pero syempre kulang yun...

ang masakit pa nakapasok nga ko sa call center ok na sana kaso ang problema nakita naman na may spot daw ako sa baga kaya malamang sa tangalin din nila ako...
kakainis may balak pa naman ako applyan na trabaho na alam kong kayang kaya ko at alam na alam ko pero pano ko gagawin yun kung may sakit ako...
kailangan pa naman doon ay malakas ang katawan at resistensya.
ang tanda kona tapos umaasa ang pamilya ko dahil tapos na ako sa pag aaral ay makakatulong na ako sa pag papaaral sa mga kapatid ko...
sa totoo lang kulang ako ng lakas ng loob at determinasyon sa buhay.
sana magawa kong maayos ang lahat sa lalong madaling panahon.

Wednesday, February 10, 2010

paano ba?

Isip ko ngayon ay hindi mapakali
Pilit akong ginugulo sa aking pag tulog
Isip ko ay nangungusap sa tuwing ako ay napapag isa
dampi ng suliranin hindi na maiwasan pa
pano ko ba tatakasan ang syang naitakda?

alam ko na ako ay may roong magagawa
ngunit patuloy pa rin nagkikibit balikat
wari bay wala akong alam sa maaaring kahinatnat
nag wawalang kibo dahil sa pag asa na sya ay aking matatakasan

paano mo magagawang takasan ang iyong kamatayan?

Thursday, July 9, 2009

nakaka-miss


namimiss kona yan upuan na yan kung saan ako noon madalas umupo habang nag-aantay ng susunod na klase...
madalas ko kasama tumatambay dyan ang mga barkada ko... wala kami ginawa kundi magtawanan mag-asaran...nakakamiss na mag-aral
dyan din ako noon umiyak ng minsan akong bumaksak sa exam, dyan ako naka upo pag nag rereview saksi ang upuan na yan sa lahat ng paghihirap ko bilang mag-aaral noon...
sino na kaya ang nag-mamayari ng tambayan nmin... hays
sana makita ko ulet ang mga kaibigan ko sana makatambay ulet kami doon tulad ng dati...
sana nandun pa yung mga pinag susulat nmin ng kung anu-ano sana namimiss din kami ng janitor na crush nila, at nung janitor na madalas nming kaaway kasi makalat ahehehehehe
malamang may bago na yung kaaway...^_^

namiss kona sakit ng ulo sa kakaisip ng title ko sa thesis at mangarag ng bongang bonga sa mga midterm exams ko at final exam pag pila ng pagkahaba haba sa enrollment at pakikipag-away sa mga sumisingit ahehehehehe


hay kakamiss ang apat na taon ng buhay ko sa college!

ito isa sa mga kalokohan nmin habang naka upo sa aming tambayan sa labas ng room nmin!

ahahahahahaha






Thursday, July 2, 2009

isang araw kasama ang rugby boy


nagising sa suntok ng hiyawan sa akin pandinig
mga taong naglalakad, pagmamadali ang sa mukha mababanaad
tiniklop ko ang karton na aking higaan na may kasamang panghihinayang
umaga na nman bakit pa ako nagising nasabi sa sarili.

Pilit dinadala ang mabigat na katawan, uupo na naman sa sulok
Inaabot ang palad sa bawat mag daan, sana kahit singko pang bili ng yosi
pinipisil ang sikmura ng pananakit ay maibsan, P*^%&^% gutom nako
habang ang mamang tindero pilit ako pinaaalis" T*&^$(^ MO nandito ka na naman
kaya walang bumibili eh!
Anong klaseng lipunan ang meron sa bansang ito? imbis na tumulong sisi pa ang ibabato
naiinis ko na namang hinila ang aking karton palayo sa mamang iyon
sabi ko sa sarili " babalik ako bukas aasarin kita"

sa aking nilipatan bantay ay wala, pasimpleng mamon ay hinila...
wahahahahaha almusal ay solb na! sinilip ang kinakalawang na lata
may otso(8) pesos na pang kape din ito...

mataas na ang sikat ng araw nagumpisa ng gumala
umupo sa kantong aming tambayan
sawakas rugby na aking hawak. isang singhot gutom nawala
isa pang ulet katawan ay gumagaan.hindi na binitawan hawak kong supot
mga tao sa amin nakatingin
"ano ba yang mga batang yan nag rurugby"
ibis na husgahan bakit kami ay hindi tulungan?
mga bata naglalakad nakahawak sa kanilang magulang habang bag ay sa likod naka sukbit
mga ngiti nila sadyang inosente pa sa mundong nilalakaran, lalaki man oh babae bata at matanda sa akin paligid nakikita kapwa may supot na nakadikit sa kanilang mga ilong. pakiramdam kona ngayon ay lutang, kaninang mabigat na hakbang, ngayon at lutang na.
gutom ay nawala para nkong nakakain sa fiesta!

gabi na naman maghapon ng nilalanghap ang plastik kong tinitipid ang laman.
karton ko lagi ng karamay umulan man o umaraw sya ang aking hihigaan...
natawa ako nung minsan narinig ko ang isang bata, nagmamaktol sa magulang pilit nag-papabili ng cell phone sa nanay nya...
bulong ko sa aking sarili " ako nga bagong karton lang masaya na pano nlang kung may rugby pa!"
nanliliit na ang mga mata, mabigat na ang talukap, di na mapigilan pag pikit ng mata.
bukas kaya may rugby pa? sana hindi nako sikatan ng araw masarap na matulog nlng habang buhay...sa langit sana may rugby pa!ahahahahahaha

Sunday, June 28, 2009

im not a sin


well i dont know where to start...
ahehehehe
all i know is that IM NOT A SIN. maybe i am a sinner but not a sin.
hindi tulad ng sinasabi ng mga ibang tao ( hindi lahat) na ang pagiging lesbiana daw ay isang kasalanan. may nag sabi sa akin minsan, ano nlng ang ihaharap mong mukha sa diyos pag nagkita kayo... habang binabasa nya ang iyong libro ng buhay? makikita nya na ikaw bilang tao ay naging lesbaiana.

kung sakali man na dumating ang araw na yun
at tatanungin ako ng may lalang sa akin sa naging buhay ko.
ito lang ang sagot ko " I am your creation and I'm proud of it"
may mga tao mang hindi nakakaunawa sa "akin o sa aming pagkatao" well maybe you just need to deal with it, like we did.

gusto ko lang nmn sabihin na tulad ng karamihan, nilalang kami sa mundong ito na hindi alam kung ano man ang nakalatag na daan para sa aming kinabukasan.
hindi kami masasamang tao, hindi kami sakit na nakakahawa, tao lang kami na nagmamahal at nilalakbay ang buhay na nilaan para sa amin...

hindi naman masama magpakatotoo...^_^ madami man hindi makaintindi sa buhay na akin pinili, masasabi kona masaya ako sa takbo ng buhay ko. akin ito, ako ang magsasagwan sa sarili kong buhay. Walang maaring umagaw sa akin nito...

^_^