Thursday, July 2, 2009

isang araw kasama ang rugby boy


nagising sa suntok ng hiyawan sa akin pandinig
mga taong naglalakad, pagmamadali ang sa mukha mababanaad
tiniklop ko ang karton na aking higaan na may kasamang panghihinayang
umaga na nman bakit pa ako nagising nasabi sa sarili.

Pilit dinadala ang mabigat na katawan, uupo na naman sa sulok
Inaabot ang palad sa bawat mag daan, sana kahit singko pang bili ng yosi
pinipisil ang sikmura ng pananakit ay maibsan, P*^%&^% gutom nako
habang ang mamang tindero pilit ako pinaaalis" T*&^$(^ MO nandito ka na naman
kaya walang bumibili eh!
Anong klaseng lipunan ang meron sa bansang ito? imbis na tumulong sisi pa ang ibabato
naiinis ko na namang hinila ang aking karton palayo sa mamang iyon
sabi ko sa sarili " babalik ako bukas aasarin kita"

sa aking nilipatan bantay ay wala, pasimpleng mamon ay hinila...
wahahahahaha almusal ay solb na! sinilip ang kinakalawang na lata
may otso(8) pesos na pang kape din ito...

mataas na ang sikat ng araw nagumpisa ng gumala
umupo sa kantong aming tambayan
sawakas rugby na aking hawak. isang singhot gutom nawala
isa pang ulet katawan ay gumagaan.hindi na binitawan hawak kong supot
mga tao sa amin nakatingin
"ano ba yang mga batang yan nag rurugby"
ibis na husgahan bakit kami ay hindi tulungan?
mga bata naglalakad nakahawak sa kanilang magulang habang bag ay sa likod naka sukbit
mga ngiti nila sadyang inosente pa sa mundong nilalakaran, lalaki man oh babae bata at matanda sa akin paligid nakikita kapwa may supot na nakadikit sa kanilang mga ilong. pakiramdam kona ngayon ay lutang, kaninang mabigat na hakbang, ngayon at lutang na.
gutom ay nawala para nkong nakakain sa fiesta!

gabi na naman maghapon ng nilalanghap ang plastik kong tinitipid ang laman.
karton ko lagi ng karamay umulan man o umaraw sya ang aking hihigaan...
natawa ako nung minsan narinig ko ang isang bata, nagmamaktol sa magulang pilit nag-papabili ng cell phone sa nanay nya...
bulong ko sa aking sarili " ako nga bagong karton lang masaya na pano nlang kung may rugby pa!"
nanliliit na ang mga mata, mabigat na ang talukap, di na mapigilan pag pikit ng mata.
bukas kaya may rugby pa? sana hindi nako sikatan ng araw masarap na matulog nlng habang buhay...sa langit sana may rugby pa!ahahahahahaha

5 comments:

lenz said...

ruby boy! dami sa manila na ang mga bata eh nag rurugy! hehehe hndi ko pa nasubukan ang mag rugby ano ba ang tama pagnaka singgot ka niyan?

Emel said...

@lenz
nakita ko lang sila kanina umaga pag pasok ko... pinanonood ko lang sila kaya yun late sa trabaho

at ayon sa aking reliable source joke!

lutang nga daw ang feeling ewan ko lang panong lutang ^_^

Gumamela said...

bsta my kahirapan ang rugby boys patuloy na maninirahan sa silong ng tulay, sa kalsada at kung saan saan...

for sure c rizal umiiyak kc sabi nya ang kabataan pag asa ng bayan ngunit tingnan mo ang sandigan ng bansa katapat lng ng rugby...

yan ang resulta ng maling sistema at korapsyon sa bansa.

Ching said...

rugby paborito ko yan pandikit sa luma kong sapatosssssss di sa ilong waaaaaaaaaaa...

ching

Emel said...

@ate bhing sangayon ako sayo sis, ako man nasa lagay ni rizal sumalangit nawa...

@kuya ching
ako din yan madalas ginagamit ko sa sapatos and mga kahoy na kailangan idikit, masakit sa ilong pag naamoy ko kaya diko ma imagine pano naging sandalan ng kabataan ang simpleng pandikit. hays...