Monday, June 22, 2009

Umaga na naman maglalakbay ako




Ang tunog ng aking alarm ang gumising sa akin ngayong umaga,
sa pag mulat ng aking mata, naramadaman ko ang bigat ng aking katawan.
ang hangin na nagmumula sa aming bintelador ay wari nag-sasabi na, maaga pa matulog ka pa...
at pagbaling ko sa aking tagiliran nakita ko ang aking asawa, maliwanag na noon sa aming kwarto sinyales na kailangan ng bumangon.
napayakap ako sa kanya at bumulong " I love you hon belated Happy anniversary"
pinilt kong bumangon pikit ang isang mata, tulad ng araw-araw kung ginagawa...
bumaba ako ng kama at nag punta sa aming kusina nagtimpla ako ng kape habang nag-hahanap ng aming babaunin, mahal ang bilihin kaya mas pinipili namin mag baon mas tipid kasi.
kumuha ako ng delata hinati ko sa dalawa.
maya-maya naririnig ko na syang nag-aayos sa taas namin, pumasok sa isip ko" gising na sya ano kaya gusto nya kainin?" nakita ko sya bumaba sa hagdanan habang naka higa ako sa sofa at sinusubukang sulitin ang mga sigundong nakasalang ang mainit na tubig na aming gagamitin sa paliligo.
nagpunta ako sa lamesa upang samahan ang aking asawa at pagsaluhan ang tinimpla kong kape, tapos nun nag-ayos na kami ng gagamitin nmin para sa pag pasok sa trabaho.
ayaw na sana nmin mag trabaho para sa iba ang hirap.
lagi nmin napaguusapan ang pag tayo ng negosyo nagiisip sino ang mga tao na pwede lapitan para makakuha ng kapital pro ang lahat nauuwi sa wala...
hindi naman kami sumusuko.kakayanin nmin to.

palabas na kami ng bahay nakita nmin ang nanay nya, nag paalam na kaming aalis.
pag dating sa kanto ahahahahahahaha ang daming tao.
ayan na ang bus, hinawakan ko sya sa balikat at sinampa sa bus, sumasakay kami habang umaandar ang bus, pinapapasok ko sya lagi sa dulong bahagi ng sasakyan kasi mas maluwag.
pag may tumatayo tinatawag ko sya agad para sya pauupuin sa bakanteng upuan...
bago pa kami makadating sa aming trabaho wasak na mukha nmin ahehehehehehehe
hindi pa man naguumpisa mag trabaho pagod na kami sa byahe...
mas malayo ang trabaho ko sa kanya at mas maliita ang sweldo...

sa mrt ang dami ko lagi nakakasalamuhang tao
iba-ibang uri at personalidad.
sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng train naaaninag ko ang pagnanasa nilang makarating maaga sa kanilang pupuntahan.
sa bawat bukas ng pinto at dagsa ng tao madami ang nasasaktan at naiinis sa takbo ng araw na iyon.
mainit sa loob, nandoon ang takot na mahawa ng sakit sa dami ng tao hindi mo malaman ang gagawin.
pinipilit mong maging mahinahon ng sa ganun gulo ay maiwasan.
sa bawat pasok ko sa train simula sa pag pila lagi akong nagdadasal wala po sana ako makaaway ngayon.
hangang sa pagbaba ang mauna ang mababasa mo sa mukha ng mga tao...
sumakay ako ng jeep pag katapos noon.

mas mahinahon na ang mga tao
mabilis akong nakasakay at nakababa
habang nasa jeep ako, napansin ko ang mga tao ayaw umupo malapit sa driver
bakit? kasi ayaw nila mag abot ng mga bayad
wahahahahahha^_^

pagbaba ko sa kanto iniwasan ko muna ang tindahan na lagi ko binibilhan ng mga kung anu-anong pagkain sabi ko sa sarili ko magtitipid muna ako ngayon...

nakarating na ako ngayon sa trabaho ko...
pano na naman kaya ang magiging pakikipag sapalaran ko pag-uwi?

ang alam ko lang masarap umuwi kasi pag uwi ko kasama ko na ang asawa ko!


^_^

2 comments:

Gumamela said...

emel, nice...

napipisil ko madami kang idea na gsto pang mashare...

sige lng, hanggang malalaman mo nlng ang pagsusulat nasa sistema mo na...

gudluck!

Emel said...

thnx ate bhing napaka supportive mo talaga sis

POWER HUG!!!!!!!!!