Wednesday, June 24, 2009

another side of me




Wag magpapalinlang sa langit na maaliwalas,
langit man ay may tinatago ding dilim,
Sa likod ng matatamis na ngiti,
Nakakubli ang demonyong sayoy nangangalit.

Kaibigan kung akoy ituring,
kasama sa kanyang paglaki,
lihim ay sa akin ikinabit,
buong tiwala buhay ay sa akin ihinabilin.

Noon sya ay aking ng sinabihan,
sa akin ay wag magtitiwala,
Ako ay hindi nya totoong kakampi,
ngunit siya ay sumugal para sa aming pagkakaibigan.

Kung aking Gugustuhin buhay nya ay madali kong sisirain,
Demonyo sa aking tabi lagi ng nalalagi,
Ngunit sadyang ang langit ay laging nakamasid
upang kami ay patuloy na lumaban.

Sa aking mga kaibigan,
ako man ay angel na maituturing,
Ngunit may madilim ding langit,
lihim sa akin ay wag ibunyag kung buhay mo ay mahalaga.

mapagkakatiwalaan man akong tunay,
pilitin mo sa akin ay wag mapalagay,
ako ay isa lamang mapag-balat kayong nilalang,
tunay na anyo ay hindi pa nabubunyag.

1 comment:

Gumamela said...

@ ang tunay na kaibigan hndi ngtatanong ng mga bagay bagay bagkus nakikinig at handang tumannggap anuman ang pagkukulang ng isa...

im lucky, kaibigan kita!

muaahh!